Kalibo, Aklan – Handa na ang Aklan Police Provincial Office (APPO) sa pagdagsa ng mga turista sa isla ng Boracay sa muling pagdiriwang ng La Boracay at Paraw Regatta.
Ayon kay PMAJ. Willian Aguirre ng Provincial Intelligence Unit (PIU) na nakalatag na ang kanilang security measures at mas pang pinaigting ang kanilang pagbabantay lalo na sa mga lugar na merong tourist attraction especially sa Malay at Boracay.
Sa ngayon ang bayan ng Malay at isla ng Boracay ay may 240 na mga pulis na magbabantay kasama na ang mga force multipliers para mapanatiling mapayapa at ligtas sa anumang insidente ang mga bisita at residente.
Ang La Boracay ay nakatakdang isasagawa mula Abril 26 hanggang Mayo 1 at ang Paraw Regatta ay sa Mayo 1 rin.
Ipapatupad pa rin ang pagsunod sa minimum health standards sa isla.

Facebook Comments