Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba pa ng mahigit 5,000

Muling nabawasan ngayong araw ng mahigit 5000 ang aktibong kaso mg COVID-19 sa bansa.

Naitala ngayong araw ang 63,637 na aktibong kaso ng COVID sa bansa.

4,496 naman ang karagdagang kaso habang 9,609 ang bagong gumaling at 211 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, 2,731,735 na ang kabuoang kaso ng COVID-19 sa bansa.

2,627,126 naman ang kabuoang gumaling at 40,972 ang total deaths.

Kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) na operational ang lahat ng laboratories noong october 17, 2021 bagama’t may 7 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos.

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 laboratoryo ay 2.8% sa lahat ng samples na nasuri at 2.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Facebook Comments