Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 27,000 na lamang

61

Umaabot na lamang sa 27,369 o 6.7% ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Habang umaabot na sa 374,366 o 91.4% ang bilang ng mga gumaling sa nasabing virus matapos madagdagan ng bagong recoveries na 45.


1,738 naman ang bagong kaso kaya umaabot na ang total COVID-19 cases sa bansa sa 409,574.

7 lamang din ang naitalang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay nasa 7,839 o 1.91%.

Ang mga bagong kaso naman ay naitala mula sa mga lalawigan tulad ng Davao City, Cavite, Rizal, Laguna at Batangas.

Ang mild cases naman ay 83.0%, ang asymptomatic ay 8.5%, ang critical ay 5.3%, habang ang severe ay 3.0% at ang moderate ay 0.20%.




Facebook Comments