Aktres na si LJ Reyes, ikinatuwa ang feedback ng mga fans sa bago nilang serye tuwing hapon

22

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng aktres na si LJ Reyes ang magagandang feedback ng mga televiewers sa bago nilang dramedy series tuwing hapon sa Kapuso Network.

Ayon kay LJ, ang story ng kanilang serye (D’ Originals) ay kakaiba daw sa mga napapanood kaya siguro tinatangkilik ito ng mga fans.

Dagdag pa ng aktres, ang on-and-off cam chemistry nila ng mga kasamahang artista ang siyang dahilan kung bakit daw maganda ang kinalabasan ng nasabing serye.

Nagpapasalamat din ang aktres sa mga positive comments sa social media at sisiguraduhin din ng magiging mas kaaabangan at kapana-panabik ang mga susunod na serye.

Facebook Comments