Alegasyong sinadya ang water leak sa Regional Office 1 ng PhilHealth, itinanggi ng ahensiya

Itinanggi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Regional Office 1 ang alegasyong sinadya nila ang water leak sa kanilang tanggapan para masira ang ilang dokumento sa gitna ng imbestigasyon sa ahensya.

Ayon sa PhilHealth, walang importanteng dokumento ang nabasa at nakakonekta ang database sa head office ng PhilHealth.

Nilinaw rin ng Regional Office na hindi ang accounting section ng opisina ang naapektuhan kundi ang benefit administration section.


Kasabay nito, bukas naman ang opisina sa imbestigasyon at nakikipag-ugnayan na rin sila sa National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ).

Sa ngayon, kasalukuyan nang inaayos ang kisame ng opisina at nagdagdag na ng drainage system sa gusali.

Facebook Comments