AMBUSH | La Union Mayor at 2 pa nitong kasama, patay sa pamamaril

Patay matapos pagbabarilin ang sasakyan ni Sudipen, La Union Municipal Mayor Alexander Buquing, dakong alas 6:40, Lunes ng gabi.

Ayon kay Chief Inspector Cirilo Butigan, hepe ng Bangar Police, pauwi na ang alkalde at kanyang asawang si Vice Mayor Wendy Buquing mula sa kanyang opisina nang tambangan ang mga ito sa nasabing bayan.

Maliban sa alkalde, nasawi rin sa pamamaril ang escort nitong si PO2 Rolando Juanbe at driver na si Boni Depdepen.


Ginagamot naman sa ospital si Vice Mayor Wendy Buquing.

Patuloy pa ang hot pursuit operation ng pulisya sa mga hindi nakilalang suspek at inaalam na ang motibo ng mga ito.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya ng alkalde si PNP Chief Director General Oscal Albayalde.

Bumuo na rin ang PNP ng special investigation task group na mag-iimbestiga sa pagkasawi ni Buquing.

Facebook Comments