BROKEN | Kris Aquino, babyaheng Singapore para sumailalim sa medical treatment

Biyaheng Singapore ngayon si Kris Aquino para sumailalim sa medical treatment.

Sa kaniyang post sa kaniyang Instagram account, sinabi ni Kris na pinayuhan siyang pumunta sa Singapore para sa medical test na wala pa sa Pilipinas.

Agad naman raw babalik ng bansa si Kris oras na matapos na ang kaniyang medical evaluation.


Say ni Kris, hindi na niya idedetalye ang kaniyang kalusugan para hindi mag-alala ang kaniyang mga anak.

Una nang inamin ni Kris na broken siya matapos lokohin ng kaniyang kasosyo sa negosyo.

Facebook Comments