Anak na si Paolo at manugang na si Atty. Mans Carpio, ipinagtanggol ni P-Duterte

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at manugang na si Atty. Manases Carpio na nadadawit sa 6.4 billion pesos na shabu shipment na naipuslit sa Bureau of Customs.

Hamon ng pangulo maglabas ng matibay na ebidensya na magpapatunay na dawit sa anomalya sa BOC ang dalawa.

Ayon sa pangulo, ipinaalam sa kanya ng kanyang anak na si Davao City Mayor na si Inday Sara nang kunin ang kanyang mister bilang abogado ng Mighty Corporation na nahaharap sa tax evasion.


Pinayagan ng pangulo ang manugang dahil ginagawa lamang nito ang kanyang trabaho.

Una nang sinabi ng pangulo na magbibitiw siya sa pwesto kapang napatunayang sangkot siya o kanyang mga anak sa katiwalian.

Facebook Comments