Ibinahagi ng boyfriend ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo sa kaniyang Instagram stories ang pasulyap na larawan ng nobya matapos manganak sa ikalawang baby girl nito.
Unang ibinalita ni Andi sa publiko ang ikalawang pagbubuntis noong Pebrero 1 at babae ang pinagdadala nito noong Marso 9, 2019.
“The journey has been so exciting yet scary at the same time, but we have been so happy and at peace nevertheless. Still wouldn’t have my life any other way,” ani Andi.
“We are now on our way to moving to our new island home where my growing family will make more joyful memories together… and I cannot wait,” dagdag niya.
Hindi pa man ibinabahagi sa publiko ang pangalan ng pangalawang baby girl na ipinanganak nitong Hulyo 24, ngunit binati na siya ng kaniyang mga taga-suporta.
Nakilala si Andi Eigenmann sa kaniyang hit teleseye noong 2010 na ‘Agua Bendita’. Pansamantalang nag-hiatus siya sa showbiz noong 2011 nang manganak sa kaniyang panganay na si Adriana Gabrielli o ‘Ellie’, anak ni Andi kay Jake Ejercito.