Ang impeachment complaint na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano, kalokohan ayon kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kalokohan ang impeachment complaint na inihain laban sa kanya ni Magdalo Rep. Gary Alejano.

Ayon sa pangulo, nagtataka siya kung ano pa ang gusto ng mga kritiko gayung ilang beses na siyang naimbestigahan hinggil sa umano’y Davao Death Squad (DDS).

Aniya, marami lang talaga ang gustong sumakay ng paulit-ulit sa isyu.


Samantala, sinabi ng pangulo na malaya si Alejano na ituloy ang kanyang balak na dalhin sa International Criminal Court (ICC) ang kanyang reklamo.

DZXL558

Facebook Comments