Ang SGLG Award ay dahil sa tulong nyo!-Mayor Cyn

Masayang sinalubong ng mga kawani ng Cotabato City LGU si City Mayor Frances Cynthia Guiani matapos iuwi ang Seal of Good Local Governance Award , pagkilalang nagmumula sa Department of Interior and Local Government.
Ang SGLG Award ay kauna unahan sa pamamahala ni Mayor Cyn bilang alklade ng syudad ngunit ikatlong beses na sa Administrasyong Guiani na kinilala ang “ Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal”.

Kaugnay nito pinasalamatan ni Mayor Cyn ang lahat ng kanyang mga naging katuwang lalo na sa pagpapanatili ng peace and order sa syudad kabilang na rito ang City PNP, 6th ID, PDEA , CIDG , 5th SF at lahat ng security forces na walang sawang nagsusumikap alang alang para sa residente ng syudad.

Pinasalamatan rin ni Mayor Cyn ang mga Department Heads ng City LGU at ang lahat ng mga kawani nito. Kaugnay nito masaya namang inihayag ni Mayor Cyn na magkakaroon ng additional bonus ang mga ito ngayong buwan maliban pa sa maagang Christmas Bonus at inaabangang PEI.


Samantala, mariing inihayag ng alkalde na magpapatuloy pa sila sa kanilang mga inisyatiba para maipagpatuloy ang mga nararanasang kaunlaran sa Cotabato City.

Facebook Comments