Iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga krimen sa bansa.
Batay sa kanilang Peace and Order Indicator mula January 1 hanggang April 8, 2023, bumaba ng 14.69% ang krimen sa bansa.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Red Maranan, bumaba sa 9, 345 ang krimen na kanilang naitala ngayong taon kumpara sa 10, 954 sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
Ang POI ay binubuo ng index crimes tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motorcycle theft at vehicle theft.
Bibubuo rin ito ng non-index na mga paglabag sa lokal na ordinansa at mga aksidente sa kalsada.
Facebook Comments