ANTI COVID-19 DISCRIMINATION ORDINANCE, APRUBADO NA SA SP AKLAN

Kalibo, Aklan — Aprubado na sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan sa 42nd regular session ang ordinansang pagbibigay ng penalidad o parusa sa kung sino mang gagawa ng anumang uri ng diskriminasyon sa mga persons under monitoring o investigation, at mga frontliner sa paglaban sa Covid-19.
Marami ng kaso ng public stigmatization sa mga PUIs at PUMs. Gayundin sa mga frontliners nakakaranas ng diskriminasyon ayon kay SP Member Jose Miguel Miraflores bilang author ng ordinansa.
Ito ay naglalayong maiwasan ang stigma, pagpapahiya at pagmamaliit, harassment, at iba pang pamamaraan ng diskriminasyon sa mga heathworkers, frontliners mga PUI at PUM.
Sa mga mapapatunayang lumabag sa ordinansa ay may penalidad na P5,000 o pagkakulong hanggang anim na buwan o parehong parusa depende sa desisyon ng korte.
Pagbabawal na mamili sa mga tindahan at pinapaalis sa lodging houses ay ilan lamang sa halimbawa ng diskriminasyon.
Mayroon ding mga fake news ang kumakalat sa social media na pinapangalanan ang hinihinalang infected ng Covid 19.
Matandaang una ng sinabi ng Department of Health na magpasa ng anti discrimination ordinances ang mga LGUs para maprotektahan ang mga Covid-19 patients at mga frontliners.

Facebook Comments