Anti-skimming bill, inihain sa Kamara

Manila, Philippines – Ipinadedeklarang economic sabotage ang skimming sa ATM cards, pangha-hack sa bank system, unauthorized access sa online bank applications at iba pang fraud o pandaraya.

Ang panukala ay bunsod na rin ng system glitch at skimming sa mga bank accounts ng ilang mga malalaking bangko sa bansa.

Sa ilalim ng Anti Skimming Bill o House Bill 5934 na inihain ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Ben Evardone, habambuhay na pagkabilanggo at multang mula 1 hanggang 5 milyong piso ang parusa sa mga lalabag sa nasabing panukala kapag tuluyan na itong naisabatas.


Paliwanag ni Evardone, dahil sa mga makabagong teknolohiya ay makabago na rin ang paraan ng pagnanakaw ng pera.

Sa oras na maisabatas ang panukala ay maibabalik ang tiwala ng publiko sa electronic financial at trade sectors.

Facebook Comments