Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Antique dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Sa pinakahuling datos mula sa Antique Provincial Health Office, umabot na sa 1,500 ang dengue cases sa probinsya kung saan anim rito ang nasawi mula Enero hanggang Hulyo 15.
90 barangay rin ang nakitaan ng clustering ng mga kaso ng dengue.
Nauna nang nagpahayag ng pagkaalarma ang Department of Health sa tumataas na kaso ng dengue sa bansa.
Pinakamaraming kaso ay naitala sa Central Luzon, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula gayundin sa Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Mimaropa, Metro Manila at Cagayan Valley.
Facebook Comments