Appointment kay bagong COMELEC Commissioner Nelson Java Celis, hawak na ng Komisyon

158

Hawak na ng Commission on Elections (COMELEC) ang appointment ni bagong Commissioner Nelson Java Celis.

Batay sa appointment ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mananatili ang termino ni Celis sa poll body hanggang sa February 2, 2029.

Nilinaw naman ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na dadaan pa sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments ang nominasyon kay Celis.


Si Celis ay nagtapos sa kursong Electronics and Communications Engineering sa Don Bosco Technical College.

Siya ay nagtapos din ng Master/Doctor of Business Administration sa De La Salle University (DLSU) kung saan naging professional lecturer din siya rito sa Graduate School of Business at Graduate School of Computer Studies.

Facebook Comments