Korte Suprema, nagpaalala sa law graduates na ngayon araw ang deadline ng aplikasyon para sa Bar Exam

72

Nagpaalala ang Korte Suprema na ngayon araw ang deadline para sa paghahain ng aplikasyon para sa 2022 Bar Examinations.

Sa advisory na pirmado ni Amor Entila, Officer-in-Charge ng Office of the Bar Confidant, maaaring mag-upload ang applicants ng mga dokumento at magbayad ng kaukulang Bar fees sa pamamagitan ng Bar plus.

Ang mga aplikante naman na nakakumpleto na ng aplikasyon ay maari pang makapagsumite ng physical copies ng kanilang dokumento kahit lagpas na ng August 15.


Pinapayuhan din ang mga aplikante na i-monitor ang Bar plus account / at email para sa mga kaukulang mga updates kaugnay ng kanilang aplikasyon.

Ang mga detalye at mechanics hinggil sa pagpili ng venue o lugar ay i-aanunsyo sa susunod na Bar bulletin.

Facebook Comments