Ipinasasama ni Senator Jinggoy Estrada sa aralin ng mga estudyante ng high school ang pagaaral ng Saligang Batas.
Layunin ng Senate Bill 1443 na inihain ni Estrada na magkaroon ng “nationalist mindset” ang mga magaaral para mapagyaman ang pangunawa at pakikilahok ng mga kabataan sa proseso ng pamahalaan at kaalaman sa Konstitusyon na maaari nilang magamit para sa pagsusuri ng mga pampublikong isyu.
Sa ilalim ng panukala na tatawaging “Mandatory Constitutional Education Act” ay minamandato ang pagaaral ng Saligang Batas sa ilalim ng kurikulum ng mga junior at senior high school students.
Sakop ng panukala ang lahat ng pampubliko at pribadong educational institution sa bansa.
Bukod sa pagpukaw ng kamalayan ng mga kabataan sa Saligang Batas, layunin din ng panukala na malinang ang pagtanggap at mga pagsasanay sa democratic values tulad ng transparency, accountability, at paggalang sa dignidad at karapantang pantao.