ARESTADO | Isang construction worker, kulong matapos magwala habang may bitbit na itak

Manila, Philippines – Nawala ang yabang ng isang lalaki matapos mahuling nagwawala at may hawak na itak sa Tondo, Maynila.

Sa kulungan ang bagsak ng construction worker na si Christopher Bongquin makaraang matiyempuhan ng mga rumorondang mga pulis habang nagsisigaw sa kalsada sa Kagandahan Street kanto ng Juna Luna Street.

Hawak ang jungle bolo, hinahamon nito ang mga tao sa lugar ng away pero nanahimik ng lapitan ng mga pulis.


Sa ngayon, inaalam pa din ang dahilan ng pagwawala ng suspek na nahaharap sa kasong bridge of peace at illegal possession of deadly weapon.

Facebook Comments