PROBLEMADO | Isang lalaki, doble problema matapos mahuli ang ama at tiyuhin sa buy-bust operation at masunog pa ang kanilang bahay sa Parañaque City

ParaƱaque City – Doble problema ngayon ang sumalubong sa isang lalaki matapos na mahuli ang ama at tiyuhin, nasunog naman ang kanilang bahay sa Bagong Lipunan, Baclaran, ParaƱaque City.

Sa ulat, galing sa presinto si Justine Aranas matapos asikasuhin ang kaniyang ama at tiyuhin na naaresto sa buy-bust operation kung saan nagulat na lamang siya nang makitang nasusunog na ang kanilang dalawang palapag na bahay.

Umabot sa unang alarma ang sunog na tumagal lamang ng 20 minuto at nadamay pa ang isang katabing bahay pero wala naman naitalang sugatan sa insidente.


Hindi alam ngayon ni Aranas kung ano ang naging dahilan ng sunog kaya at patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan nito maging ang kabuuang halaga ng pinsala.

Facebook Comments