ARMY WORMS, UMATAKE SA ILANG TANIMAN NG SIBUYAS SA BAYAMBANG

Umatake ang mga army worms sa ilang taniman ng sibuyas sa bayan ng Bayambang, partikular na sa Manambong Sur.

Ang tatlong ektaryang inaasahang maani ay bumaba na lamang sa dalawang ektarya dahil sa peste.

Ayon sa ilang magsasaka, nagsagawa na sila ng forced harvest upang hindi na maapektuhan ang iba pa nilang pananim o ang massive infestation na tinatawag.

Panawagan ng mga magsasaka, ibaba ang presyo ng mga pesticide at insecticide upang kahit papaano ay hindi sila malugi at maisalba ang ilang pananim.

Ayon naman sa LGU Bayambang, isolated case lamang ito at sinigurong mamahagi ng organic pesticide upang matulungan ang mga magsasaka sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments