Saturday, January 17, 2026

Assistance to Individuals in Crisis Situation, ipagkakaloob ng DSWD sa mga apektado ng pagguho ng landfill sa Cebu

Nakatakdang magbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office (FO) 7–Central Visayas ng tulong sa mga pamilyang at indibidwal na apektado ng pagguho ng landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City.

Ang tulong ay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Matapos ang insidente, agad nagsagawa ng assessment ang DSWD Field Office 7 sa lugar at nagpaabot ng tulong sa mga apektadong pamilya.

Nagpadala rin ang ahensya ng mga ready-to-eat food (RTEF) boxes at nagtayo ng mga tent na pansamantalang matutuluyan ng mga residenteng naapektuhan.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga local government unit (LGU) upang matiyak na mabibigyan ng sapat na tulong ang mga apektadong residente, lalo na’t nagpapatuloy pa ang retrieval operation.

Facebook Comments