Iginiit ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pamahalaan na tiyakin muna na mayroong available na COVID-19 vaccine para sa mga nais magbakuna.
Sabi ni Lacson, ito ay bago pagbawalan ang mga hindi bakunado na sumakay sa pampublikong transportasyon.
Paliwanag ni Lacson, magiging hindi patas kung paparusahan kahit ang mga gustong magpabakuna pero walang magawa dahil gobyerno ang may pagkukulang para tiyakin ang proteksyon ng mamamayan.
Pero diin ni Lacson, kung sapat at available naman para sa lahat ang COVID-19 vaccines ay may karapatan naman ang taumbayan na maproteksyunan laban sa mataas na tyansa na mahawa ng virus.
Samantala, inihayag naman ngayon ni Lacson na fully recovered na siya at wala ng nararanasang sintomas matapos tamaan ng COVID-19 nitong nagdaang linggo.
Ayon kay Lacson, tatapusin nya ang kanyang quarantine hanggang bukas na ikasampung araw simula ng magpositibo ang kanyang COVID test noong January 4.