Babae sa Spain – nagpanggap ng bulag sa loob ng 28 taon; Ang dahilan, alamin

Spain – Isang anti-social na babae sa Spain ang nagpanggap na bulag sa loob ng 28 years.

Ayon kay Carmen Jimenez – nagpanggap lamang daw siyang bulag dahil ayaw niyang makisalamuha sa mga tao.

Nabatid na maging ang asawa nito ay napaniwala na hindi talaga siya nakakakita.


Pero, ayon sa asawa ni Carmen – minsan daw ay nagdududa na sila sa kanya dahil napapansin daw nila itong nanonood ng TV at nakakapagmake-up ng maayos.

Inamin din ni Carmen na nakakakuha siya ng special financial aid at personal assistance dahil sa pagiging bulag.

Ngunit sa kabila nito, kailangan niyang harapin ang legal challenge.
DZXL558

Facebook Comments