Babaeng drug pusher, patay sa pamamaril sa Muntinlupa City

Muntinlupa City – Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae na drug pusher matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Muntinlupa City.

Tinatayang dalawampu’t lima hanggang tatlumpung taong gulang ang biktima. May kaputian, nakasuot ng skinny jeans na kulay gray, damit na kulay itim at naka tsinelas.

Ayon kay Brgy. Police Deputy Chief Leopoldo Bernabe ng Brgy. Poblacion, itinawag lamang sa kanila ng isang residente na may natagpuang patay na may tama ng bala sa ulo malapit sa ilog sa may Biazon Road, Southville 3 kaya’t agad silang tumawag sa pulisya.


Sinabi ni Bernabe na dayo at posibleng sa kanilang barangay lamang pinaslang ang babae dahil.

Wala namang narekober na droga sa pinangyarihan ng krimen, maliban sa mamahaling relo na suot ng biktima, kulay pink na payong at ilang basyo ng bala ng baril.

Ayon kay Bernabe, ito ang ika-apat na beses na may nadiskubreng patay sa parehong lugar ngayong buwan lamang ng Agosto kung saan isa rito ay drug suspect dahil sa sinasabing nakita na ilang pakete ng marijuana mula sa katawan ng biktima.

Facebook Comments