Babaeng nagnakaw ng alahas sa Maynila, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang isang babae matapos tangayin ang mga alahas sa Binondo, Maynila.

Batay sa kuha ng CCTV ng alahasan, makikita ang suspek na nakilalang si Wilma Pedrasa na pinalabas sa tindera ang tray ng mga alahas para makapamili.

Makalipas ang ilang minuto, naglabas ng pera na tinatayang nasa P30,000 ang suspek pero nang malingat ang tindera, mabilis na kinuha ni Pedrasa ang mga alahas na nagkakahalaga ng higit P100,000.


Ayon kay Superintendent Eric Mendoza, hepe ng Binondo Police, para hindi pagdudahan, nagdadala na rin ng malaking halaga ng pera ang ilang kawatan.

Nahaharap ang suspek sa kasong theft habang patuloy ang follow up operation ng mga awtoridad sa mga posibleng kasabwat nito.

Facebook Comments