Babaeng pulis, kritikal sa pamamaril ng riding in tandem sa Mandaue City

Mandaue City – Kritikal pa rin ang kondisyon ng isang babaeng pulis matapos barilin ng “riding-in-tandem” sa Basak, Mandaue City.

Nabatid na pauwi na sa kanilang tirahan galing sa trabaho sa Lapu-Lapu City Public Safety Company si PO1 Mae Sasing nang sinundan siya ng apat na mga lalaki sakay ng dalawang motorsiklo.

Nang makatabi ang pulis ay dito na ito sunod-sunod na pinagbabaril hanggang sa tuluyang bumagsak sa kanyang minamanehong motorsiklo.


Mabilis na tumakas ang mga suspek habang naisugod naman sa ospital ang biktima.

Patuloy ngayon ang follow-up operation para madakip ang mga suspek kung saan tinitingnan anggulo ng mga imbestigador kung may kinalaman sa trabaho o personal ang motibo sa krimen.

Facebook Comments