Babaeng top target ng PDEA, huli sa Dipolog City

73

Dipolog, Philippines – Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang babaeng top target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang ito’y mahuli habang nagbebenta ng iligal na droga sa ginawang buy-bust operation sa siyudad ng Dipolog kamakailan.
Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspek na si Hannah Atendido, 20 anyos, matapos ang ilang taong surveillance.
Listed bilang no.1 PDEA target sa syudad, si Atendido nahuli sa ikinasang operasyon matapos siyang bumisita sa kanyang boyfriend na nakakulong sa Dipolog City jail na kilala umanong drug lord.
Ayon kay PDEA agent Mark Morciella, si Atendido ang tumatanggap ng mga remittances sa kanilang drug trade at nag-operate sa mga areas sa first at second district ng lalawigan ng Zamboanga Del Norte.
Ayon pa sa PDEA, inamin umano ni Atendido na ang kanyang grupo ay kumukuha ng suplay ng droga sa Ozamis City.

DZXL558,Mardy Libres

Facebook Comments