Cauayan City, Isabela – Unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga plaka sa tanggapan ng Land Transportation Office o LTO Cauayan, dahil sa may bagong gumagawa ng plaka ng mga sasakyan para sa LTO at dahil rin sa bagong regulasyon ngayon ng LTO.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Assistant Head Louiesardo Calango ng LTO Cauayan, may bagong regulasyon ngayon sa pagbibigay ng plaka lalo na ang mga new plate.
Ipinaliwqanag ni Calango na hindi na sa District Extention Office isinasagawa ang new registration kundi sa tanggapan na ng Regional Office.
Matatandaan na marami ang nagrereklamo sa mabagal na pag-isyu ng LTO sa mga plaka para sa mga nagpaparehistro ng sasakyan.
Samantala ang tanging ginagawa umano ng Extention Office ng LTO ay ang issuance ng lisensya, renewal of licence at registration, private to hike, law enforcement at iba pang transaksyon.
Iginiit pa ni Assistant Head Louisardo Calango ng LTO Cauayan na sa pagkuha ng lisensya ay mahigpit ang LTO dahil kailangan ang medical certificate para sa bago at renewal.
Sa professional licence ay kailangan ang skield at medical, sa non-professional ay medical at pagsususlit ang kailangan para sa mga kukuha ng bagong lisensya.
Mabilis na rin umano ngayon ang pag-isyu ng ID card sa lisensya dahil ang gumagawa nito ay mula sa Mindanao sa upgraded na printer na mula pa sa ibang bansa.