Kalibo, Aklan — Umabot na sa 3,200 na specimen ang backlog ng Western Visayas Medical Center (WVMC) sub-national laboratory para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing.
Ito ay ayon kay Dr. Stephanie Abello, chief pathologist sang WVMC-SNL as of July 8, 2020.
Sinabi ni Abello na 600 ang nakatakdang isalang sa real time – polymerase chain reaction (RT-PCR) machine, 414 ang para sa scanning, at 420 ang para sa signing.
Ang natirang specimen ay naka store sa refrigerator habang hinihintay na ma-process.
Napag-alaman, na simulang nag-operate ang WVMC-SNL noong Marso, nakatanggap sila ng 31, 898 na mga specimens na na-test sa covid-19.
Ayon pa kay Abello, dumami ang backlog dahil sa mga kinolektang specimens galing sa St. Paul’s Hospital of Iloilo at Pedro L. Gindap Municipal Hospital sa Barbaza, Antique kung saan may nagpositibo na mga healthcare workers.
BACKLOG SA COVID-19 TESTING NG WVMC UMABOT SA 3,200
Facebook Comments