BAGONG DIGITAL SYSTEM NAMAGPAPABILIS SA PAMIMIGAY NG BENEPISYO SA 4PS, GINAGAMIT NA SA URBIZTONDO

Ginagamit na sa Urbiztondo ang isang bagong digital system upang pabilisin ang pamamahagi ng benepisyo sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Pormal nang sinimulan ng bayan ang paggamit ng PUSO Management Information System (MIS), isang digital platform para sa mas maayos na pamamahala ng datos ng mga benepisyaryo.

Sa ginanap na pagsasanay na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office I, tinuruan ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa tamang paggamit ng sistema, kabilang ang pag-update, pag-monitor, at pagproseso ng impormasyon ng mga benepisyaryo.

Ayon sa ulat, pinagsasama-sama ng naturang sistema sa iisang platform ang datos ng 4Ps beneficiaries, kaya nababawasan ang pagdepende sa manu-manong encoding at verification ng impormasyon.

Batay naman sa datos ng DSWD, ang Urbiztondo ang pangalawang lokal na pamahalaan sa Rehiyon Uno na nagpatupad ng nasabing digital system. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments