Manila, Philippines – Minaliit lamang ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang mga pasabog kahapon ni dating Senator Bongbong Marcos.
Partikular ang mga pinakita ni Marcos na ballot images bilang ebidensya ng sinasabing dayaan sa Vice Presidential Election.
Sinabi ni Atty. Romulo Macalintan, abogado ni Robredo na posibleng galing sa ibang source ang pinakitang ballot images ni Marcos at maaring imbento lamang ito.
Itinanggi rin ni Atty. Macalintal na may hawak na silang kopya ng mga ballot images mula sa Presidential Electoral Tribunal.
Pinabulaanan din ni Macalintal na nakipagsabwatan ang kampo ni Robredo sa COMELEC at Smartmatic kaugnay ng sinasabing dayaan sa Vice Presidential Race.
Facebook Comments