BAGONG PINUNO | Senator Sotto, uupo bilang Senate President ngayong taon

65

Manila, Philippines – Bago matapos ang taon ay uupo bilang bagong Pangulo ng Mataas na Kapulungan si Senate Majority Leader Tito Sotto III.

Ayon kay Senator Panfilo Ping Lacson, ito ang kasunduan o napag-usapan nina Sotto at Senate President Koko Pimentel.

Pero hindi tiyak ni Lacson ang eksaktong petsa kung kelan ito mangyayari.

Itinanggi naman ni Senator Pimentel na may kasunduan sila ni Senator Sotto pero mag-uusap daw sila pagbalik niya galing sa abraod at magpapatawag din sya ng caucus ng mayorya.

Sabi naman ni Senator Sotto, walang derikatang agreement sa pagitan nila ni Senator Pimentel kaugnay sa Senate leadership dahil ito ay kailangang pagpagpasyahan ng mayorya ng mga Senador.

Sa kabila nito ay tiniyak naman ni Sotto na handa syang tanggapin ang responsibilidad na pamunuan ang Senado na ipagkakatawala sa kanya ng mga kasamahan.

Facebook Comments