PINAGKAKATIWALAAN PARIN | DFA Sec. Cayetano walang dahilan para magbitiw sa posisyon – ayon sa Malacañang

16

Manila, Philippines – Naniniwala si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na nagtitiwala parin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa kabila narin ng gusot na nilikha ng ginawang rescue operations ng Embassy official’s ng Pilipinas sa Kuwait sa mga distressed Overseas Filipino Workers o OFW.
ito ay sa harap narin ng panawagan na magbitiw nalang si Cayetano dahil sa diplomatic issue na resulta ng ginawang rescue operations.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang dahilan para magbitiw si Cayetano sa kanyang posisyon dahil neeenjoy pa nito ang full trust and confidence ng Pangulo.
Sa harap nito ay sinabi ni Roque na ang problemang ito sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait ay mareresolba din.

Facebook Comments