Kinilala ang suspek sa alyas na “Bong,” karpintero at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nahuli ito ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 – La Union Provincial Office (PDEA RO I-LUPO) sa isinagawang operasyon na sinuportahan ng Bacnotan Police Station, La Union Provincial Intelligence Unit (PIU), at La Union Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU).
Nasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 0.5 gramo ng hinihinalang shabu, limang gramo ng hinihinalang marijuana at buy-bust marked money.
Batay sa rekord ng mga awtoridad, si “Bong” ay itinuring na High-Value Target (HVT)-Resurgent matapos siyang unang maaresto dahil sa paglabag sa batas kontra droga noong 2016.
Noong 2017, inatasan siya ng korte na sumailalim sa mandatory institutional rehabilitation, na kanyang natapos bago siya muling nakalaya.
Gayunman, sinabi ng PDEA na muling lumitaw ang pangalan ng suspek sa mga ulat ng pagbabalik sa bentahan ng ilegal na droga matapos ang isinagawang intelligence monitoring.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek at haharap sa mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










