Bagong reformulated COVID-19 vaccines, inaasahang maipalalabas na ng manufacturer sa mga susunod linggo sa ibang bansa

Sa lalong madaling panahon ay mailalabas na ang reformulated COVID-19 vaccines ng mga manufacturer.

Sinabi ni Dr. Nina Gloriani, pinuno ng Vaccine Expert Panel na may approval na ng US-Food and Drug Administration (FDA) sa bagong generation ng bakuna, pero hindi pa sila aktual na nagsisimulang maglabas nito.

Sa mga susunod na araw o linggo ay posible aniyang mag-deploy na ang mga gumagawa ng bakuna ng bivalent vaccines o yung bakuna laban sa COVID-19 na gawa sa Wuhan at BA.5 subvariant ng Omicron.


Sinabi ni Gloriani, sakaling mag-aplay rito ang manufacturer para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng nasabing reformulated o bagong henerasyon ng bakuna, dadadaan pa rin sila sa regular na pagbusisi ng FDA para masuri ang safety and efficacy nito o pagiging ligtas at epektibo.

Pangkaraniwan, ayon sa vaccine expert na inaabot ng dalawa hanggang tatlong buwan bago makumpleto ang proseso ng pag-apruba sa aplikasyon.

Facebook Comments