Bagong SBMA Chairman Atty. Wilma Eisma, aminadong mayroon silang hidwaan ni Martin Diño

Manila, Philippines – “Handa ako sa anumang hamon na aking kahaharapin sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)”.

Ito ang palabang sagot ng bagong SBMA Chairperson at Administrator na si Atty. Wilma Eisma sa kanyang kritiko.

Ayon kay Eisma, asahan ng publiko na magiging malinis ang kanyang trabaho dahil maganda ang kanyang record gayundin ang pangalan ng kanyang pamilya.


Pagmamalaki pa niya, nakapag-ipon siya sa sarili niyang sikap at kung matapos man ang kanyang termino ay hindi siya natatakot na bumalik sa pribadong buhay.

Sa pagkakatanggal kay dating SBMA Chairman Martin Diño – inamin ni Eisma na hindi talaga maganda ang kanilang relasyon.

Itinanggi naman ni Eisma na siya ang dahilan kung bakit tinanggal si Diño.

Facebook Comments