Gumugulong na ang pagpapatayo ng Slaughterhouse Facility sa Rosales. Ito ay matapos ang isang taon nang irekomenda ng Ilocos Regional Project Advisory Board noong Pebrero 2024 ang pagpapatayo ng naturang pasilidad na magmumula sa Philippine Rural Development Project of PRDP.
Tinatayang nagkakahalaga ng P81. 88 milyon ang naturang proyekto at inaasahang magbibigay serbisyo sa 1,693 kabahayan.
Kasalukuyan pang pinag-aaralan ang kabuuang plano sa pasilidad mula sa mga responsibilidad ng kukuning contractor hanggang pagsasakatuparan ng proyekto. Ang pagpapatayo ng mga pampublikong pasilidad ay naglalayong pagmulan ng ligtas at dekalidad na karne para sa public consumption. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments