Iginiit ng Pangasinan Provincial Veterinary Office na maayos at sapat ang suplay ng karne ng baboy sa probinsya.
Wala umanong nakikitang dahilan ang ahensya kung bakit patuloy ang pagsirit ng presyo nito sa mga pamilihan sa lalawigan.
Ayon kay Pangasinan PVO OIC Dr. Arcely Robeniol, natanong na rin umano ito sa secretary ng Department of Agriculture at sinabing dapat umanong pag-usapan at tignan kung saan ba nanggagaling ang mga suplay at bakit tumataas ang presyo nito na wala naman pinagdadaanang tamang regulasyon.
Dagdag ng Opisyal, Tumaas umano ang farmgate price ng karne ng baboy.
Nagkaroon din umano ng repopulation program ang Department of Agriculture upang mapunan ang pangangailangan ng mga konsyumer. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments