BAHAY NG PERSON OF INTEREST SA PAGPATAY SA DATING SB MEMBER NG MALINAO, AKLAN INAPLAYAN NG SEARCH WARRANT. BARIL AT GRANADA NARECOVER

Kalibo, Aklan – Nakarecover ang Malinao, PNP ng .45 caliber pistol loaded ng magazine with
ammunition. Hand grenade, 4 na cellphones at isang empty shell ng caliber .45 sa bahay ni Mario
Castillo y Yupano, 47 anyos residene ng barangay Malandayon, Malinao, Aklan.
Ayon kay Police Corporal Alvin Tamagos, imbestigador ng Malinao. PNP station, si Castillo ay isa sa mga
suspek sa pagpatay kay former Malinao Sangguniang Bayan member John Rondario , noong January 25,
2020, bandang alas 9:30 o’clock ng gabi sa barangay San Roque ng nasabing bayan.
Aniya kay Tamagos, hindi nila makasuhan agad si Castillo sa nasabing pagpatay, dahil sa walang
tumatayong witness at wala silang matibay na ebidensiya. Pero dahil sa mga report ng pagpapaputok
nito ng baril nag apply sila ng search warrant laban dito na inisyu naman ni Hon. Judge Bienvenido
Barrios ng Branch 6 ng RTC noong March 13, 2020.
Ang caliber .45, at empty shell isasailalim sa cross matching at ballistic examination ayon kay PCPL
Tamagos, para malaman nila kung itong baril din ang ginamit sa pagpatay kay Rondario.
Sa ngayon kakasuhan muna nila ng violation sa R.A. no. 8294 as amended by R.A. 1866 O Illegal
Possession of Fire arms, Ammunition and Explosives si Castillo at kung magpositibo aniya ang resulta ng
cross matching at ballistic examination ng baril na nakuha sa kanyang bahay saka na nila e-file ang
kasong murder laban dito…

Facebook Comments