Nakikipag-ugnayan na lamang ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) sa National Vaccination Operation Center (NVOC) para makatugon sa guidelines hinggil sa pagtatayo ng vaccination sites sa ilang istasyon ng Metro Rail Transit (MRT), Philippine National Railways (PNR), mga paliparan at pantalan sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOTr Usec. Artemio Tuazon na may mga rekesitos ang NVOC bago sila tuluyang payagang makapagbukas ng vaccination sites sa mga terminal.
Aniya, magtutuloy-tuloy ang pagbabakuna basta’t mayroong suplay mula sa Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 (NTF).
Samantala, hindi naman masabi pa sa ngayon ni Tuazon kung booster doses lamang ang ituturok nila sa mga terminal.
Aniya, tulad sa nagpapatuloy na bakunahan sa PITX booster doses lamang ang kanilang ibinibigay base na rin sa vaccine allocations.