BALAY SILANGAN REFORMATION CENTER SA URDANETA CITY, PINASINAYAAN NA

Pormal nang binuksan noong Martes, Marso 3, ang bagong Balay Silangan Reformation Center sa Pangasinan, na matatagpuan sa Brgy. Nancayasan, Urdaneta City.

Sa ilalim ng pasilidad, layuning mapaigting ang pagpapatupad ng Balay Silangan Program alinsunod sa umiiral na pamantayan at patakaran nito, na nakatuon sa moral recovery, values formation, at skills development ng mga sumukong drug personalities.

Bahagi rin ng aktibidad ang kasunduan ng mga stakeholders tulad ng PNP, PDEA at lokal na pamahalaan, upang mapanatili ang operasyon ng pasilidad at pagpapatupad ng programa.

Sa kasalukuyan, nasa higit limampung Balay Silangan Reformation Center ang aktibo sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments