BANGKAY NG HINDI PA NAKIKILALANG LALAKI, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA BINMALEY

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa pagkakakilanlan ng isang bangkay ng lalaking natagpuang palutang lutang sa bayan ng Binmaley.
Nagulat ang ilang residente nang makita nila ang palutang-lutang na bangkay ng isang lalaki sa gilid ng National Highway sa Barangay Linoc sa nasabing bayan .
Posibleng itinapon lang umano sa lugar ang nasabing bangkay ng lalaki.

Nakasuot ng t-shirt at short ang lalaki na nasa katamtaman din ang laki ng pangangatawan.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga kalapit na mga lugar sakaling may mga naiulat na mga nawawalang kaanak. |ifmnews
Facebook Comments