Barangay Kapitan ,Misis nito arestado dahil sa Shabu sa Kabacan

27

Kalaboso ang mag -asawa kabilang na ang incumbent Barangay Chairman matapos isagawa ang search warrant sa Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan, North Cotabato.

Kinilala ang naarestong kapitan na si BONG BACANA Alias BAROMBONG at asawa nitong si Baliling.

Nakumpiska sa mga suspeks ang 9 na sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P340K, assorted drug paraphernalia, caliber .45 pistol with magazine and live ammunition, assorted jewelries at Two hundred thirty-two thousand seven hundred forty pesos (Php 232, 740.00) na pinaniniwalaang nagmula sa kanilang illegal na Gawain ayon sa mga otoridad.

Sinasabing kabilang sa High Value Target si Kapitan, habang nahaharap na ito sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) and Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) kasalukuyang kalaboso sa jail facility ng PDEA 12 ang mga naaresto.

Facebook Comments