Monday, June 1, 2026

Karagdagang 21,000 metric tons ng LPG na inangkat ng Pilipinas, dumating na sa bansa

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na dumating na sa bansa ang karagdagang 21,000 metric tons ng LPG na inangkat ng Pilipinas.

Ayon kay Energy Undersec. Sandy Sales, kasakukuyan nang binababa sa pantalan sa Batangas ang mga dumating na LPG.

Bunga nito, 42 araw aniya ang imbentaryo ng supply ng LPG sa bansa.

Tiniyak naman ng DOE na asahan pa ang mga dadating na karagdagang supply ng LPG sa mga susunod na araw.

Facebook Comments