Barangay Officials sa North Cotabato, sumailalim sa Capability Building Enhancement Training on Law!

2,715 ang kabuuang bilang ng barangay officials sa North Cotabato na sumalang sa kauna-unahang Capability Building Enhancement Training on Basic and Critical Roles as Administrators.
Ang naturang pagsasanay ay inisponsor ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Legal Office (PLO) sa pamumuno ni Provincial Legal Officer Atty. John Haye C. Deluvio sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Layunin nito na malinang ang kakayahan ng barangay officials, maging pamilyar sila sa mga konsepto at tungkulin nila kaugnay ng barangay justice system at upang maipatupad nila ito ng tama bilang mga administrador ng kani-kanilang barangay.
Ilan sa mga tinalakay sa training ay ang Katarungang Pambarangay; Basic and Updates tungkol sa Katarungang Pambarangay at ang Modes and Procedure for Execution of Settlement and Arbitration.
Nagsilbing resource persons ang kilatawan ng mga opisyales mula sa DILG at ang Board Members mula sa 3 legislative districts ng lalawigan.

Facebook Comments