Kalibo, Aklan – Nadagdagan nanaman ang mga barangay sa bayan ng Kalibo na “Drug Free Barangay” matapos na idineklara rin ang Barangay Pook. Ito ay matapos na makapasa sa isinagawang 20th Regional Oversight Committee on Dangerous Drugs-BDCP deliberation. Tinanggap mismo ni Pook Punong Barangay Ronald Marte at ni PLt. Alona Layson ng Kalibo PNP ang pagkilala kahapon sa Iloilo City. Sa ngayon ay may 20 “Drug Cleared Barangays” na ang bayan ng Kalibo. Ang nasabing pagkilala na ito ay ikinagalak naman ni Mayor Emerson Lachica at ni PMajor. Belshazzar Villanoche, hepe ng Kalibo PNP. Samantala, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang kampanya ng mga kapulisan dito sa bayan ng Kalibo para tuluyan ng masawata ang illegal na droga at maging cleared na rin ang mga iba pang barangay.
Barangay Pook, idineklarang “Drug Free Barangay”
Facebook Comments