Isang panibagong direktiba ang ipinalabas ni DILG OIC Secretary Eduardo
Ano, na pinare-revoke ang karapatan ng mga barangay tanods at BPAT na
magdala ng baril, at pinapa-recall din ng DILG ang mga baril na pag-aari ng
mga local government unit o baril ng mga barangay.
Ang kautusan ay para sa buong bansa habang papalapit ang naka schedule na
barangay at SK Election…Ayon kay 1st mechanized battalion Lt.Col.Lauro
Oliveros, na ipapatago sa PNP ang mga marecall na baril ng LGU at hikayatin
ang mga tao sa barangay na may itinatagong loose firearms na isuko na
lamang ang kanilang baril para hindi na sila masubject sa search warrant
operation o zoning ng mga kapulisan at kasundaluhan.
Kayat umaapela siya sa lahat na isuko na ang mga hindi lisensiyadong baril
bago pa maging huli ang lahat dahil umapisa sa abril ay puspusan na ang
kanilang gagawing raid sa mga bahay na pinaghinalaan nilang nagtatago ng
maraming baril.