Kalibo, Aklan – Bagamat pinahihintulutan nang bumiyahe ang pampubliko at pribadong sasakyan base sa Executive Order No. 23 na ipinalabas ni Aklan Governor Florencio T. Miraflores o ang guidelines sa implementasyon ng General Community Quarantine (GCQ) ay bawal pa rin ang angka sa motorsiklo at limitado lamang ang mga pasahero sa ibang sasakyan.
Ito ang nakasaad sa executive order: 1. Motorsiklo – walang angkas 2. Tricycle – tatlo lamang sakay kasama ang driver 3. Multicab – lima ang sakay kasama ang driver 4. Jeep – 10 ang sakay excluding ang driver kapag ang seating capacity ay 24 15 naman ang sakay excluding ang driver kapag seating capacity ay 31 5. Commuter Vans – 7 lang ang sakay excluding driver 6. Local Mini Bus – 15 lang ang sakay 7. Private Cars (sedan, pick up and SUVs) – tatlo lang dapat ang sakay excluding driver Ang motorbanca at iba pang sea crafts na nagca-cater ng kanilang pasahero with in Aklan ay pwede na pero 50% lamang ng capacity nito ang pwedeng sumakay.
Wala ring pahihintulutang makapasok na sasakyan galing sa ibang probinsya.
Bawal rin sa mga pampublikong sasakyan ang walang face mask or face shield.
Inuutusan din sa nasabing EO ang mga drivers at operators ng mga multicab, jeep, vans at mini bus na papermahin sa manipesto ang mga pasahero kung saan ito ay ibibigay sa mga Punong Barangay sa kanilang bayan na pinanggalingan.
Bawal pa rin ang angkas sa motorsiklo, mga PUVs limitado lang ang pasahero
Facebook Comments