Kalibo, Aklan— Aabot ng 396 na indibidwal ang nagkasakit ng Dengue sa buong lalawigan simula sa pagpasok ng taong 2020. Nangunguna sa may pinakamaraming kaso ang bayan ng Kalibo na nakapagtala ng 126 cases mula Enero hanggang Agusto 1, 2020 base sa ipinalabas na datus ng Provincial Health Office. Ang bayan naman ng Numancia ang pumapangalawa na nakapagtala ng 39 na kaso habang 37 ang sa bayan ng Makato, 25 sa Banga samantalang tig 20 naman ang New Washington at Malay. 18 kaso naman ang naitala sa bayan ng Nabas, tig 15 sa bayan Tangalan at Ibajay, samantalang tig 14 na kaso sa mga bayan ng Libacao at Batan. Base rin sa datus ng PHO, 13 na kaso ang nailista sa Balete samantalang 12 naman sa Madalag, tig 7 sa mga bayan ng Malinao at Lezo habang nakapagtala naman ng 5 kaso ang bayan ng Altavas at 4 naman sa bayan ng Buruanga. May 5 kaso rin ang naitala ng PHO Aklan kung saan hindi taga Aklan ang mga nagkasakit. Mas marami rin ang mga kalalakihang nagkasakit kung saan aabot ito sa 210 habang 186 naman ang kababaihan. Sa kabila ng nasabing datus, inihayag naman ng Provincial Health Office na mas mababa ang nasabing record kung ikukumpara sa nakalipas na taon. Nagpa-alala naman ang provincial government sa publiko na mag-ingat sa nasabing sakit at panatilihing malinis ang paligid ng bahay para mapuksa ang mga lamok.
Bayan ng Kalibo nangunguna sa dami ng Dengue cases base sa datus ng PHO
Facebook Comments